Be on her shoes

I’m proud to say that I am not a perfect and ideal person on earth. I have a flaws and imperfections na alam kong kakainisan ng karamihan. Alam kong kakamuhian ng iba at puwedeng isumbat laban sa akin. You will curse me death.

Ngunit ang mga imperpekto kong pagkatao o malademonyong paguugali, may iisang minahal at tumanggap.

My mother πŸ™‚ She loved my imperfections and embraced it unti I became better.

Noong mga araw na wala pa ako sa tamang edad at tamang pagiisip, ni kakarampot na atensyon sa paghihirap na ginawa niya ay hindi ko nagawang pansinin. Nagawa kong ibalewala ang lahat ng kanyang pagsasakripisyo magawa ko lamang ang gusto ko.

Iyong tipong kakainin na lang niya, isusubo na lang sa akin para mapunan ang pagkagutom. Yung ipapahinga nalang ngunit, ang mga natitirang oras niya ay ibubuhos sa pagaasikaso sa amin.

Ni minsan hindi ko naramdamang inuna niya ang kanyang sarili kaysa sa amin. Kahit na pagod siya’y gagawin niya parin ang kanyang tungkulin bilang ina.

Makita mo palang ang sarili mo sa kanya ay talagang sasakit ang ulo mo.

Isipin mo yon, idinala ka niya ng siyam na buwan sa kanyang sinapupunan. Inire, pinakain at pinagaral tapos magiging suwail ka lang? Magiging inutil kalang at pabigat ka lang sa kanila.

Pero anong natanggap mo? Pagmamahal at pagunawa mula sa kanila imbis na sumbat.

Napakaswerte mo ano? Ngunit hindi mo nagawang pahalagahan.

Pero onti onti ko nang pinangsisishan ang mga nakaraan. Natuto akong bumawe sa paraang alam kong masasayahan siya. Pinupunan ko lahat ng pagkukulang ko sa paraang makakalimutan niya na ang masamang ako.

Iniisip ko palang ang ginawa niya simula ng ipanganak ako hanggang ngayon na mayroon ng isip at sariling persepsyon, ay parang hindi ko kayang suklian sa saglit na panahon lamang.

Hindi ko kayang suklian ang mga sakripisyo at paghihirap ng aking ina sa isang materyal na bagay lang.

She deserved the whole world for being a good mother to us.

Ang hiling lamang niya ay mapabuti ako at mapunta sa kamay na alam niyang kayang ibigay sa akin ang lahat miski buhay niya.

Hanggang ngayon, na matanda na siya, ang kapakanan mo parin ang kanyang iniisip. Ni hindi man lang nagsumbat na suklian ang lahat ng kanyang ginawa.

Nakakaiyak ‘di ba?

Kaya hangga’t maaga pa, gusto kong maappreciate niyo ang bawat ginagawa ng magulang mo para sayo.

Dahil hindi natin alam kung kailan sila mawawala sa ating tabi.

Dadating sa puntong magiina at magiging ama tayong lahat at magkakaanak.

At ang mga ginawa mong masasama sa magulang mo, ay wag sanang gawin sa inyo ng mga anak niyo. Hindi pa natin alam kung gaano kasakit ang pinagdaanan nila dahil satin, dahil wala pa tayo sa ganong sitwasyon.

Totoong nasa huli ang pagsisisi. At kung ayaw mong magsisi, ngayon palang ay magtino kana.

Love your mother endlessly. Because she will sacrifice herself without hesitation just for your own good .

Love your mother so much, as if she’s the greatest treasure on earth.
❀

Published by Lhen Clavillas

Just a little, is too much.

Design a site like this with WordPress.com
Get started