“Congratulations for your successful exhibition, Frank.” Natutuwang sabi ko matapos makarating sa kanyang kinalalagyan.
Maraming tao sa exhibit pero dahil sa katangkaran niya, kitang kita ko siya kung saan siya nakatayo.
“Thanks for coming, Elizabeth. Akala ko hindi ka na makararating.”
“Who wouldn’t? Kung kinulit mo ako kahapon minu-minuto, sira.” Napairap nalang ako sa hangin atsaka humarap sa mga taong nakatuon sa bawat paintings.
Napakagandang mga paintings. Merong plain, makulay at madilim. Maganda pero hindi ko maintindihan. Masarap sila sa mata, pero anong silbi non kung wala kang maintindihan sa bawat ukit na yan?
“Seriously, thanks for coming. I know, you’re not fond of this. But you are here, it means a lot to me.” He said with his sincere tone.
“I’m not responsible for reading the paintings, but the behaviour of each indiviual. And, we’re just the same. Andon ka when I need you though you’re not fan of science. See? It’s just a matter of being fair.” I answered.
Natawa naman siya habang ako nangiti lang.
“Ibig sabihin, utang na loob lang pala ito?”
“You guess..” Then I smiled one more time.
Saglit kaming nanahimik at ako na mismo ang bumasag non.
“Nasan ang mga artist niyan?” Tumingin ako sa kanya at nakatuon lang siya sa dami ng tao dito.
Ang ganda nga namang pagmasdan ang gantong tanawin. Sa henerasyon na ito, hindi mo aakalaing meron papalang nawiwili sa mga arts. Natatakpan na kasi ng technology ang arts kaya napakahirap agawin ng atensyon ng mga tao.
“Somewhere, roaming around.” Sabi niya. “Hindi naman pwedeng sa kanilang gawa lang ang maappreciate nila. Alam kong nagagandahan din sila sa ibang paintings kaya hindi sila nakaantabay sa kanila mismong gawa.”
“Kung sabagay. Artist supporting artist, sounds fun.” He just laughed at ako, kumunot ulit ang noo.
“Yah know, alam kong magbasa ng arts kung bata ang nagdrawing para mailathala nila ang kanilang sakit pero kahit anong titig ko sa mga ito, hindi ko talaga maintindihan.”
Nagugulohan kong sabi pero hindi ako nakarinig ng sagot mula sa kanya kaya nagpatuloy ako.
“Art is part of science. Science is part of art. We are connected, but it’s hard for me to understand. Iba ang stroke ng mga artist sa ordinaryong tao lamang, bawat tuldok at linya na kanilang ginuguhit ay para may gustong ipahawatig at hindi ko malaman kung ano. Is it because we have different passion, frank?”
Tumingin ako sa kanya at nakatingin din ito sa akin na may ngiti sa labi.
“Did someone tell you, that you’re a part of art too?” My forehead creased out of the blue. Frank is a master of the words, so I am not suprised about his question.
“Art? Me?” He nodded. “Yeah, because god created me?” Hindi ko sure na sagot. Eh lahat naman tayo gawa ng diyos.
At kung art ako o kayo, ibig sabihin diyos ang painter natin.
“God created you, as human. But how you become an art?”
“Tell me.” Hindi ko din alam, so he better tell me nalang.
“Because someone mold you. Yes god created everything, god isn’t a painter, but a paper to guide you.”
Napa ‘ahhhhh’ naman ako.
“Pero paano napasok yung tanong ko kung dahil ba ito sa magkaiba ang pasyon nating dalawa?”
“Ang painters ba makakaguhit kung walang papel?”
“No.” Teka ang layo na naman namin.
“Ganon din ang buhay, hindi ka magpapatuloy kung wala kang puso sa ginagawa mo.”
“So??” Binibitin ako ng lalaking ito aba.
“Passion without heart is fruitless, Elizabeth. Hindi hahayaan ng diyos na bigyan ka ng papel, kung hindi mo kayang ibigay ang puso mo.” Nanahimik ako panandalian atsaka siya nagpatuloy.
“It’s not about passion, but different hearts of passion. My heart belongs to art and you, to science. I can’t read people’s behavior but you did, and vice versa. And that’s normal.”
“So, we have different papers?”
“Lahat tayo may iba’t ibang papel sa mundo. Para maging balance, right? May masama at mabuti. Malusog at malnourished. May puti at itim. Ginawa yon ng diyos para maintindihan ang pagkakaiba ng isang tao. At ang passion ng isang inbiduwal ang instrumento para magkaintindihan”
“E bakit andami mong sinabi, isa lang tinanong ko eh.” Bigla siyang napabulanghit ng tawa na ikinataray ko lang. Kaya minsan ayaw ko siyang kausapin dahil napakalalim niyang magsalita.
Mas malalim pa sa pacific ocean.
“Pero naiintindihan mo naman ang sinabi ko diba?” Natatawa niyang sabi na ikinanguso ko.
“Oo naman..” He smiled. “Kung may diyos sa ginagawa, gusto at mahal mo ang ginagawa and that was we called passion.”
Tumango naman siya bilang sagot at dahil may naisip na naman akong tanong ay muli ko siya hinarap.
“Eh paano frank kung gusto nating maexplore ang bawat passion nila pero hindi natin kayang intindihin. Paano yon masosolusyonan?”
Gaya ng mga artist, kaya rin nilang makaappreciate ng iba. Pero paano ako na hindi naman artist pero gusto malaman at maintindihan kung ano ang meron sila.
“Kaya nga may nakalaan sa atin na makakasama sa bawat pangyayari na gusto nating tahakin.”
“Anong ibig mong sabihin?” Nagugulohan kong tanong. Hindi siya marunong magsalita ng straight, gosh!
“Kaya tayo nagmamahal ng ibang tao dahil doon.” Napakurap ako sa harapan niya. “Kabiyak ng puso mo, elizabeth.”
Muli kong inayos ang sarili ko at muntikan pa ngang mapasipol dahil sa paghanga sa kanya.
“Oh, you have right there huh” I chuckled. His mindset, so damn attractive.
“Kung hindi mo maintindihan, ibig sabihin kailangan mo na hanapin ang taong kaya magpaintindi sayo at ang taong gusto ipaintindi.”
“Eh, ang tanong nahanap na ba niya ako?” Napataray ako sa kanya atsaka tumingin sa harap. Baka naman ako lang maghahanap, tapos siya may ibang hinahanap tsk.
“Oo naman..” Eh? Napalingon ako sa kanya na may gulong gulong pagmumukha. Baka hindi na maipinta ang mukha niya.
“Paano mo naman nasabi?”
Mapanghusga kong tanong.
“Siya nalang ang hindi nakakahanap.”
Muli siyang tumingin sa harap at ako naiwang nagiinit ang mga pisngi. Hindi naman siguro ako ilusyonada hindi ba? Pero bakit feeling ko, ako ang tinutukoy niya?
“Humahaba na ang usapan natin. Baka pwede na tayo kumain?” Aya niya at nakangiting tumingin sa akin. Oh!
“S-siguro nga. Nagiilusyon na kasi ako, na ako ang tinutukoy mo.” Walang habas kong sabi at saka umiwas ng tingin.
Nagsimula na kaming maglakad na pantay lang ang bawat hakbang namin.
At muli na naman siyang nagsalita na mas lalong ikinagulo ng buo kong sistema.
“Akala ko hindi mo pa maiintindihan.”
Eh?
“Pardon?” Napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa kanya na salubong ang kilay. Nakangiti siya at hindi alintana ang sinabi ko.
Malumanay niyang hinawakan ang pulsohan ko at mas lalo atang nakadagdag yon sa akin na kaba.
What the?
Ngumiti siya sa akin na malawak pa ata sa ilog pasig at naramdaman ko na naman ang pagiinit ng pisngi ko.
“Let’s go. Marami pa akong dapat ipaintindi sayo at ipaintindi sa akin. I already found you, Elizabeth.”
-artofserendipity