BEING A KPOP FAN ISN’T EASY AT ALL.

I started being a kpop fan when I was 16 years old. And before akong naging korean pop fan, naging western artist fan muna ako. Nalulong muna ako kila Selena Gomez, Little mix, Taylor Swift and Shawn Mendez.

Since it’s almost four years, I just wanted to share my own experienced for being a fan of korean pop and how they inspired me. And mind you, life changing pero napakahirap.

Doon muna tayo sa positive.

So, paano nga ba ako naging korean pop fan?

Noong 13 years old ako, medyo bandwagon pa ako noon dahil fan lang ako kapag comeback ng exo and shinee hahahaha. Doon lang ako nagtuloy tuloy when I was 16 dahil may friend akong kpop fan din, so napush ko yung sarili ko (but sadly, we’re not friends anymore. Dahil siguro same bias kami, char! hahaha iloveuuuu ❤ )

To be honest people, pasaway talaga ko noong hindi pa ako kpop fan. What do we call this, pariwala? Wala akong maisip na ibang term pero yaan ang malapit.

Pero nung dumating sila, I changed. From sutil na anak to anghel na anak. I learned how to Love myself and speak for myself.

Akala nila, ina-idolize namin sila because of their oh-so-yummy-good-looks, but y’ll wrong.

They’re so talented and kind. Hindi kami naging kpop fan dahil lang gusto naming sambahin ang mukha nila. Hindi kami nagsasayang ng data or wifi sa panunuod ng music video para sa mukha nila. Hindi kami nagsasayang ng oras sa paghihintay ng update nila para lang sa mukha nila.

Hindi kami sa mukha lang, we are into music! we are into lyrics and we are into messages of the songs.

At doon kami namomotivate!

Sa paraan ng pagkanta nila ibinibigay ang kanilang mensahe dahil milya milya ang layo ng bawat tao. And it’s work!

Music is not just a music that has number of notes, but a way to communicate with them heart to heart.

Hindi ko maiexplain yung feeling kapag sobrang dalang dala ako sa mga messages nila. Pero parang everytime na ginagawa nila yon, nauuntog ang ulo ko ng kusa. Ginigising nila ako. At nagtatagumpay naman sila.

But you know, it’s also hard being a kpop fan.

Napakahirap maging kpop fan. Dahil kung may nagmomotivate samin, meron namang hinihila kami pababa. Nakatanggap kami ng paiinsulto o pang aasar mula sa iba. Onti lamang ang sumusuporta sa aming mga kpop fan. Kadalasan pa nga ay sarili mong magulang at kaibigan.

Hindi naman ako ininsulto ng magulang ko pero ang ilan sa mga kaibigan ko ay oo. And that’s sad but it’s okay, you know karma is real 🙂 (but check first kung inaasar ka lang nilang para mapikon or talagang totoo ang kanilang pangiinsulto)

It’s hard being fan. Why?

Una, We can’t afford the lightstick and concert ticket. Napakasakit non sa part namin.

Na isa kaming hard fan pero sariling idol, hindi namin kayang makita, mabati man lang at mapasalamatan. Iyong hanggang live stream kana lang tapos ilegal pa at pahirapan pa maghanap ng link.

Kaya heto ako ngayon, aside sa parents ko, nagaaral akong mabuti para rin sa kanila.

Sabi pa nga e, na malaking panggulo daw sa pagaaral ang idols namin. Well no, I highly doubt it because it will never be. – You guys are talking nonsense, really.

At ofcourse, para rin makita sila talaga kahit pareho na kaming matatanda.

It’s never too late to thank them. Sabi nga e, ‘It’s okay to be late than sorry’

Second, eveyone says ‘koreans are all gay’ , ‘mga retokado naman yan’, ‘hindi naman naiintindihan ang lyrics’,

They all said in unison. Like hell do we really care?

Ayoko marinig ito sa kapwa ko psych major. But sad to say, one of them say that. I just shrugged, it’s not my problem anymore. Maiintindihan niya rin ang persepsyon ng bawat indibidwal ❤

Retokado or not, I don’t even care! As long as they are kind and has beautiful soul, that’s fine with us. Again, hindi lang sa mukha kami humahanga, kundi sa kanilang personalidad and how they appreciate every single soul.

And for the lyrics, okay yeah, hindi namin naiintidihan ang lyrics pero nauuso naman ang search.

But always remember, language is not a barrier for a true fan.

The way they sang the song, the way their eyes sparkling like a fireworks, and the way they look at us straight while singing the song, ayon palang damang dama muna ang sinseridad sa mga bawat salitang kanilang sinasambit. Doon palang damang dama mo na ang halo halong emosyon na magpapakita sayo na isa ka sa buhay niya na mahalagang tao.

Never naging hadlang ang lenggwahe para mahalin ang bawat isa.

At huli, dahil isa daw kaming salot at taksil sa lipunan. Isa kaming salot dahil hinahangaan namin ang taga ibang baryo. Isa kaming taksil dahil wala raw kaming utang na loob sa mga bayani na nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan ng aming kababayan.

Ngunit gusto ko lamang ipaalala na, porket isa kaming kpop fan ay ibig sabihin tinatalikuran na namin na isa kaming pinoy.

Alam parin namin ang mga ginawa ng mga bayani para sa ating kalayaan ngunit hindi kami magiging kasiraan para sa kanilang sakripisyo. Patuloy parin kaming may respeto.

Gaya ng pagkakabisa ng mga kaarawan at comeback ng mga iniidol namin, gayon din sa mga bayani kung kailan pinagdiriwang ang kani-kanilang kaarawan, pagkamatay at araw ng kanilang paglaban.

But you know what’s funny? Kung sino pa ang nagf-feeling makabayan ay siya pang hindi alam ang pagdiriwang ng mga bayani.

Kung sino ang madalas magreklamo ay siya pang walang silbi at pakinabang sa kanya kanya nila bayan.

Kaya ito ako, tahimik na nananalangin na sana mabuksan ang kanilang mga isip at puso. Hindi man ngayon, pero alam kong may tamang panahon para diyaan.

Minsan ang pakikialam sa buhay ng iba ay walang mabuting dulot para sayo.

Why don’t we just support them silently and shut up? After all, buhay nila iyon.

Hindi nila need ng full support sometimes, ang gusto lamang nila ay respeto for choosing korean pop as their fave genre music.

What’s wrong for being a fan? We all just want respect and understanding.

Kung ayaw mo man sa napili nilang genre, mas mabuti na lamang itikom ang iyong bibig kung wala kang magandang sasabihin at sarilihin ang iyong saloobin.

Dahil sa simpleng salita mo lang, ay maaring maging dahilan nang ikapapahamak ng isang tao.

So, better watch your words people.

Anyway, good morning! 🙂

That’s all for today. It’s sunday people, let the homily embraced you! Happy sunday 😀

Published by Lhen Clavillas

Just a little, is too much.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started