“Minsan ba, kinuwestyon mo ang diyos?”
Ayan ang naging main topic namin sa cell group matapos ang aming lessons and reports sa Experimental Psychology.
Dumadating naman talaga sa punto na minsan, kinukwestyon natin siya kung bakit nga ba ito nangyayari satin. Kung bakit ganto yung ibinibigay niya sating pangayayari na minsan ay umaabot na sa poot o kagalakan.
Siguro 95% out of 100%, naranasan na nilang tanongin ang nakakataas.
Marami samin ay puro hinanakit kung bakit nagawa nilang magtaka sa nangyayari sa kanila.
Alam nating makasalanan tayong tao at deserve nating mahirapan katulad ng nangyari sa kanya.
Pero mapapatanong kana lang na talaga sa kanya katulad ng;
“Bakit naman yung ganto pa ang binigay mo sakin? Pwede bang iba nalang?”
“Oo, hindi ako mabuting tao. Pero hindi rin ako masamang tao na pahirapan mo ng ganito”
“Parang sumobra ka naman ata sa pagbibigay ng parusa. Tao pa din ako”
Minsan nga nagdoubt ka na rin sa kanya kung totoo nga ba siya, dahil parang wala namang tumutulong sayo noong mga panahong walang wala ka.
Nawawalan ka rin ng faith sa kanya dahil akala mo wala naman siyang ginagawa para ayosin ang magulo mong buhay.
Nawawalan ka na rin ng respeto sa kanya dahil sa tingin mo sumosobra na siya.
Pero kahit ganon, sa kanya parin tayo tumatakbo kapag sobrang down na down na tayo. Sa kanya ka parin tumatakbo kapag walang gustong makinig sayo. Sa kanya ka tumatakbo kapag wala ka na makausap. Dahil alam mo sa sarili mo na ang pananalig sa kanya ang makakapagpagaan ng loob mo.
Lahat ng nangyayari satin ay may malalim na dahilan. Hindi yan ibibigay sa atin kung hindi tayo huhubogin, kung wala tayong matututunan para sa future self natin at kung hindi tatatag ang ating loob.
“Everything has a beautiful reason”
Lagi natin yang tatandaan.
And the rest, 5%. Napakasuwerte nila. Napakasuwerte nila dahil ni minsan hindi nila pinagdudahan ang diyos.
Pero pinagdudahan nila ang sarili nila.
Tama nga naman na binigyan ka nang buhay, anong karapatan mong kuwestyonin ang nangyayari sayo? binigyan ka nang pagkakataon na itama ang ginawa mo, pero bakit hindi mo ginawa?
Minsan, nasa atin na lang talaga ang problema at wala sa diyos. Ikaw ang gumuguhit ng kapalaran mo kaya huwag isisi sa diyos.
Kung isa ka man sa kumikwestyon sa kanya ngayon, stop and just pray. Huwag kang maubosan ng pananampalataya sa kanya dahil sa huli, siya parin ang kakampi mo kahit isa kang makasalanang tao. Siya ang magiging kakampi mo kapag tinalikuran ka na ng lahat. At siya ang magiging katuwang mo para malabanan mo lahat ng pagsubok.
Just trust him and you’ll be safe on his arms.
—artofserendipity ❤