Paradise

“Where’s the paraiso lola?” Tanong ko sa aking lola na kasalukuyang nakaupos sa rocking chair dahil sa katandaan.

Hindi ito makalakad kaya inilagi na lamang siya sa upuan. Dahil wala akong pasok, ako ang magbabantay ngayon.

“Bakit mo naman na tanong apo?” Tanong niya sa akin. Agad naman akong umayos ng upo para mas lalo niya akong mahawakan sa pisngi.

“Palagi niyo po kasing nababanggit kung gaano ito kaganda. Base sa mga sinasabi niyo ay wala pa po akong nakikitang ganon, lola.” Mas lalo siyang ngumiti sa akin na mas lalo kong ikinataka.

Kahit kailan napakahiwaga parin sa akin si lola. Kung magkwento kasi siya tungkol sa kanyang kabataan ay parang ang hirap paniwalaan.

Hindi ko naman sinasabing nagsisinungaling si lola sa akin tungkol sa paraisong sinasabi niya pero kung paano niya ito sabihin na may ngiti sa labi at ningning sa kanyang mata ay parang nasaksihan niya na nga ang ganda non.

Ang mga mata ni lola ang magpapatunay na totoo nga.

“Masisilayan mo ang ganda non kapag handa kana, sarah.”

“P-po?” Nauutal kong sabi. Bakit ko naman kailangan maging handa para makita ang paraiso? Hindi ba pwede ngayon?

“Ang paraiso na yon ay napakaganda hija. Wala makakatumbas sa ganda non.”

Naeengganyo niyang sabi sa akin. Napangiwi na lang ako ng pasekreto dahil magsisimula na siya ulit idescribe ang ganda nito. Ngumiti ako sa kanya at ipinakita sa kanyang handa akong makinig kahit paulit ulit pa.

“Ang huning ng mga ibon na pawang pampatulog sa gabi. Ang malinaw na batis na umaagos papunta sa mga bulaklak. Mga malalagong puno na siyang nagiging lilim.”

Nakatingala na siya ngayon at parang inaalala niya ang kanyang nakaraan.

“Andon ako apo. Nasaksihan ko ang ganda non.”

Ngumiti ako sa kanya. “Buti ka pa lola. Nakasaksi ng maganda.”

“Nasaksihan ko din apo ang kagulohan nito.” Nawala ako sa ayos ng pagkakaupo ko kanina dahil sa biglaang pagsagot sa akin ni lola.

Halata sa kanyang mata ang lungkot nito matapos niyang sabihin iyon sa akin.

“T-talaga po? Pero paano po ito gumanda kong magulo pala dati?”

“Apo, lahat ng magandang bagay ay nagsisimula sa kapangitan.” Napatango tango naman ako.

“Magulo dati ang paraiso na iyon, sarah. Kung gaano ito kaganda ay siya naman nitong kapangitan. Magulo hija.”

“Naalala ko kung gaano ito ka lanta. Mahirap huminga sa lugar na yon dahil punong puno ng masasamang bagay. Ang mga may buhay ay parang nauubosan na sa hininga. Ang mga umaagos ay agresibo.”

Napakamot ako sa ulo.

“Lahat ng bagay na nandoon ay pawang naghahari ang kasamaan.”

“Lola hindi ko po kayo masundan. I can’t understand or am I just too slow?” Napapout ako dahil sa katanongan sa isip ko. Mas lalong dumagdag ang katanongan ko dahil dito.

Natawa naman si lola at agad na hinawi ang aking ilang hibla ng buhok na natatakpan ng aking mukha.

“You should learn how to wait, apo.”

“Yes, lola.” Bumalik ulit ako sa aking pagkakaupo para ipagpatuloy ang kanyang kwento.

“So lola, how the paradise survived after the calamity?”

She smiled. The most beautiful smile I’ve ever seen.

“Because they changed, apo. Nagbago.”

“E-eh paano nga nagbago?” Nauutal na ako sa sobrang kagulohan.

“Dahil may dumating na liwanag mula sa taas.”

“Umaga na po, lola.” Natawa kami pareho sa joke ko. Pero agad din siyang nagseryoso kaya napalunok na lang ako.

“Gusto mo ba malaman kung nasaan ang paraiso, apo?”

“Yes lola. Who wouldn’t?”

Muli siyang tumingala at ipinikit ang mga mata na parang dinadamdam ang bawat hampas na hangin dito sa hardin.

“Oo nga naman, apo. Sino ang hindi may gusto?” Tumango ako bilang sagot.

“Nasaan po siya lola? Gusto kitang dalhin doon, kahit sa huling sandali.”

Napakagat ako ng aking labi ng bigyan niya ako ng isang ngiti. Ngiting mababanayad ang iyong isip.

“Gusto ko din apo. Ngunit wala iyon sa kahit anong lugar apo.”

Napakunot ako ng aking noo sa kanyang isinagot. Wala sa lugar? Ibig sabihin nagsisinungaling si lola.

Nang akmang sasagot na ako sa kanya ay napatigil ako na patulala sa kanyang isununod na sinabi. Halata sa kanyang mukha ang saya nito sa sandaling nalaman ko na ang sagot.

“You’ll see the paradise as soon as you already have a peaceful heart and mind, apo. That place is in your soul”

And that’s when I started to search my own paradise with my grandmother’s help. Ngayon ko lamang napagtanto na ang tinutukoy niyang magagandang katangian ay ang busilak niyang puso at isip.

Huni ng ibon na nagsisilbing gabay sa kanya para hindi maligaw sa maling landas.

Malinaw na batis para malinis na intensyon.

At malalagong puno sa punong puno ng pagibig at pagmamahal.

Ang mga kagulohan na kanyang maikwento ay ang makaranas siya ng matinding depresyon dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya but my grandfather save her and he’s the light.

That was ten years ago, but her presence is still there. She’s still here, living in my paradise.

“If can go back in the past, I will let you see my paradise lola.”

Published by Lhen Clavillas

Just a little, is too much.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started