Sa buong buhay mong namumuhay sa mundong ito, iisang tanong lang ang paulit ulit na ibinabato sayo ng mga tao.
“Bakit wala ka pang jowa?”
How many times did I hear that? 2x? 3x? Ah no! Hindi na nga iyan mabilang gamit ang daliri sa aking paa at kamay eh, halos araw araw ba na mang itanong sayo. Kung hindi ka man lang marindi.
Bakit nga ba wala pa akong jowa? Hahaha. I just laughed.
Hindi dahil sa wala akong manliligaw o wala man lang nagpapapansin sa akin. It’s just, I have thousands of reason why I’m still single. Why I am still alone? But believe me, I’m happy.
And I don’t want to elaborate it one by one to make all of you satisfied because aabotin tayo ng taon bago ko matapos but I will give some.
Sa tingin ko naman maliliwanagan kayo after kong magbigay ng mga rason kung bakit marami paring single sa mundong ito, kasama ako.
Pero hindi ko pinapahiwatig na mamuhay kayong magisa habang buhay. Huwag niyo lamang madaliin ang mga bagay bagay lalo na’t nakasasalalay ay iyong buong buhay. Hindi ko rin sinasabi na pareho tayo ng pananaw, ito ay ayon lamang sa aking opinyon at nirerespeto ko ang inyong ideya kung taliwas man kayo sa akin. We are different and that’s okay.
Napakaraming rason para manatiling magisa, na walang jowa, isa na dito ang pamilya mo.
Karamihan sa atin, inuuna ang kapakanan ng pamilya kesa sa sarili natin. Kung ang ating mga magulang priority ang makatapos tayo, ano pa naman na ipriority natin ang paghihirap nila muna?
Nakakahiya para sa atin na pumapasok na tayo sa relasyon ngunit wala pa tayong maipagmalaki sa kanila at wala ka pang pakinabang pero nagagawa nating makipagrelasyon. Hindi ba at parang nakakahiya?
Sabi ko nga sa aking sarili ngayong nagaaral pa din ako, hanggang ligaw muna ang maiibigay ko dahil hindi ko pa kayang pumasok sa relasyon. Inaalala ko ang hirap ng magulang ko para makagraduate. Tsaka na siguro kung may naipundar na ako at naibalik ko na ang hirap na ibinigay niya sakin para makatapos lang.
Pangalawa, we are all scared because of our failed relationship in the past. We are scared to love and take a risk again because you don’t want to feel the same pain again.
Ganon naman tayo diba? Kapag nasaktan ng sobra parang hindi na uulit, nadala na sa sakit.
Bakit nga ba nasaktan ng sobra?
Kasi binigay mo lahat eh. Binigay mo ang lahat ng meron ka na dapat may itinira para sa sarili mo.
Sa pagmamahal hindi naman kailangan ibigay lahat. Kahit kalahati lang ng pagkatao mo ay okay na, dahil ang importante mahal at nirerespeto niyo ang isa’t isa.
Yeah, it’s failed and hurt as hell. But atleast you learned from that. You gained knowledge about that and you’ll be extra careful next time.
Always remember, there’s a lesson after the pain.
Pangatlo, ang paraan ng pagkikipag relasyon natin ngayong henerasyon nato ay masyadong toxic. Napakatoxic.
And that’s makes me cringe.
Kailangan 24/7 kayong magkausap or magkita.
Lagi dapat kayong magkachat kahit may ginagawa o wala dahil kapag hindi, isa ito sa magiging dahilan ng inyong pagaaway. You’re all dead.
5 minutes nga lang na late reply, galit na galit na e. Paano pa kaya ang ilang oras? Naghuhugas ka lang ng plato, tinadtad ka na agad ng message at sa dulo
‘salamat sa lahat.’ Gosh!
I don’t hate drama not a fan either. But it’s so dramatic. Like hey I’m washing dishes, do you mind shut up your mouth and wait? Calm your ass, we can do babe time later!
Lagi dapat kayong magkasama, like what the hell? Hindi ba kayo nagsasawa na laging magkasama? Ah no, mali ang tanong ko.
Wala ba kayong kanya kanyang ginagawa sa bahay o buhay para laging magkasama? Lahat tayo may kanya kanyang responsibilidad, mahirap ibigay ang buong oras mo sa isang araw dahil lang sa topakin mong karelasyon na hirap makaintindi.
Attitude ka ghorrrlll?
Ang swerte mo na lang siguro kung makahanap ka ng taong marunong rumespeto sa privacy mo. Dahil lahat tayo may ‘me time’ lalo na at kailangan mong pakiramdaman ang sarili mo.
You need to be alone somtimes. Don’t depend too much.
Paano ka nalang matututo kong laging may nakabuntot sayo?
Sana huwag masyadong demanding sa oras lalo na’t may responsibilidad siya na kailangan punan. Magjowa palang kayo, hindi mag-asawa kalma! Finish your study first!
Pangapat, high standard. Nag set ako ng mataas na standard when it comes to relationship. Yes! Mataas ang standard ko, masyado akong perfectionist pagdating dito. When I saw something wrong on you, you’re rejected in instant.
I’m not pretty. Not even rich. And not your ideal type girl. Pero siguro naman may karapatan akong maginarte? Dahil pinaguusapan natin ay ang makakasama ko sa buong buhay ko hanggang mamatay.
Napaka panget naman kumg sasagotin mo agad dahil gwapo lang? Malakas ang sex appeal?
Oo, attractive ako sa magaganda o gwapo. Pero nahuhulog ako sa mga personalidad nila. You have a pretty face but lack of good personality? You’re just a display.
Aanhin mo naman ang gwapo kung hindi ka kayang buhayin? May magagawa ba ang kagwapohan kapag may binubuhay na kayong mga anak? Wala.
Mabuti kung marunong kang magset aside ng problema. Na ang problema ko sa lalaking ito ay hanggang dito lang at hindi ko pwedeng madala sa trabaho o eskwelahan. Kasi aminin man natin o hindi, minsan sagabal ang pakikipagrelasyon sa pagaaral. So, choose wisely.
Mahirap magsisisi sa huli, mahirap maibalik eh.
Kaya nga may ‘ligawan’ tayong nangyayari. Yun yung process para malaman mong karapat dapat ang tao para sayo. Doon mo malalaman sa ligawan kung siya na ba talaga ang nakalaan para sayo.
Eh kung nagliligawan palang tapos demanding na, aba kabahan kana. Ano pa kaya kung kayo na? Magdesisyon tayo na dapat tinitignan ang resulta ng iyong magiging aksyon. See the future first.
Huwag kayong mabahala kung nagtatagal na ang ligawan niyo, kung masyadong mahaba na ang proseso. Dahil kung mahal ka talaga niyan, maghihintay yan hanggang handa kana.
Panglima, hinihintay mong i-crush back ka ng crush mo. Minsan kasi yung crush natin na nagtagal sa puso at isip mo, feeling mo siya na talaga kasi may nakita kang hindi mo nakikita mo sa iba.
Hindi ka bulag pero yung puso mo, oo. Nagiging bulag ka sa ibang tao pagdating sa kanya.
Pero malaking BUT baka sa kakahintay mo sa crush mo, nalagpasan mo na ang taong dapat sayo. Mahirap maghabol ng wala na. Mahilig kasi tayo mag daydreaming, feeling mo isa siyang prinsipe o prinsesa na isang araw mahuhulog siya sa isang katulad mo. Aha, stop that. Baka hindi siya para sayo at nabulag kalang sa feeling feeling mo!
Second to the last, you’re enjoying being by yourself. Masarap magisa ano? Yung wala kang iniintindi na kahit ano. Walang sakit sa ulo.
Maliban nalang kung gaano katagal mag update ang paborito mong wattpad author, kung kailan magrerelease ang panibagong episode ng anime or kung kailan update maglalabas ng panibagong manga chapters, at kung anong mangyayari sa susunod na istorya.
Para kasi sa iba, kapag nagkarelasyon ka, para kang kumuha ng bato na ipupukpok mo sa sarili mong ulo mo.
Nagagawa mo kasi ang gusto mong gawin (you should know your limitations ofcourse) na walang iniintinding tao lalo na’t nakalimutan mo na yung iba. Nakalimutan mong magchat kasi busy ka sa kakabasa or kakanuod.
Walang nagagalit sayo, kapag wala kang dalang payong.
Walang nagtatatalak sayo kapag ayaw mo kumain. (Like hey! Alam ko kapag nagugutom ako o hindi, huwag mapilit!)
Walang magpapatigil sayo na gawin ang ang gusto mo. Pinapatigil ka para makuha ang 24/7 mong atensyon. (Like duh! Bago ka dumating, kasama ko na ang mga ito. Bakit mo ako pinapatigil sa simpleng bagay na ikinasasaya ko?)
Walang sasakal sayo! You’re free. Nakakahinga ka nang maluwag na walang sumesermon sayo maliban sa parents mo.
Masaya mag-isa sa totoo lang. Hindi nakakahiyang mag mall magisa, kumain mag isa at mamasyal mag isa. Mas nahuhubog mo pa nga ang sarili mo kapag magisa ka lang e. Mas nalalaman mo kung anong gusto mo, kasi walang nagdidikta sayo na dapat ganito ka kasi ganyan ka.
Try niyo minsan 🙂
And lastly, may hinihintay kang tao. Either your past relationship na minahal mo talaga ng todo, pero nagfailed dahil pareho kayong may responsibilidad. Or right person for you, yung tamang tao na talaga ang gusto mo, serious relationship ika nga hanggang ikasal na.
Masasabi kong isa narin ito sa dahilan ko (but less). Siguro may inaantay ako kaya ganon.
Siguro nangako kayo sa isa’t isa na pagkatapos niyong magaral, itatry niyong mag work out ulit. But we can’t say. Life is so unpredictable.
Kahit nagfailed yung relationship niyo, alam mo sa sariling mong gusto niyo pang itry kapag nasa tamang oras na. Panahon nalang siguro ang makakapag sabi kong ang mga hiling niyo ay mapagbibigyan.
Lahat tayo dumaan sa wrong person na yan, pero atleast natututo kayo diyan ano?
Yung iba nagsawa nalang makakilala ng iba’t ibang lalaki tapos mga maling tao naman. Nakakapagod kasing ipakilala yung sarili mo sa iba’t ibang tao, tapos gusto kapang bagohin.
Yung iba, ayaw ng magloko. Siguro nadala at nakarma sa ginawa, kaya nagpapakatino na.
Lahat tayo ay umaasa na ang taong hinihintay natin ay sana sila na hanggang dulo. Umaasa parin na makakatagpo tayo ng tamang tao sa tamang oras.
Minsan hindi naman problema ang mga nakarelasyon o makakarelasyon niyo eh. Maybe, it’s not the right time for us because we’re not yet ready or we still have a responsibilities. Or we are not yet ready for commitment
Pagkakataon lang talaga bukod sa tao.
Panahon ang pumipigil satin para mahalin ang gusto nating mahalin. At mahirap iyon kalabanin. Parehas lang kayong masasaktan kapag pinilit niyo.
Pero kung parehas kayong may pinahahangwakan na pangako at kaya niyo namang tuparin ay baka malagpasan ninyo.
Kung parehas kayong marunong mag antay sa tamang panahon, baka pwede niyo na ituloy ang naudlot yung pagmamahalan.
Sabi nga e ‘Patience is a virtue’
Totoo naman. Pasensya lang talaga ang kailangan sa buhay at tatag ng loob. So be strong!
Again, base lang ito sa aking opinyon at hindi ko ito nilalahat. Binase ko lang ito sa naririnig, nakikita at nararansan ko. Nirerespeto ko pa din kung ano ang ideya ninyo dahil walang mali sa mga pananaw ninyo. Gusto ko lamag ishare, at sana may natutunan kayo – artofserendipity.
So, let’s spread good vibe and loves. Always remember, there’s one person who’ll love you as you are right now. Just wait! The right person will come ❤