Under their breath

Lahat tayo nakakapagsalita ng hindi maganda. At aware naman tayo doon.

Ang pinagkaibahan lang, ay ang intensyon mo para sabihin ang mga salita na yon. Masama ba or mabuti.

Nakakapagsalita ka nang masama dahil gusto mo silang matuto at malaman kung ano ang pagkakamali nila. Nakakapagsalita ka nang masama dahil naiinis o galit ka sa kanila. Gusto mo silang masaktan sa pamamagitan ng iyong pananalita. Nakakapagsalita ka nang masama dahil ayaw mong lumaki ang ulo nila kapag pinuri mo sila.

Nakakapagsalita ka nang maganda dahil maganda naman talaga ang ginagawa nila at gusto mong ipakita na naappreciate mo ang mga bagay nayon. Nakakapagsalita ka nang maganda dahil ayaw mong masaktan ang feelings nila kahit hindi na maganda ang kanilang ginagawa. Ayaw mo silang makitang nasasaktan dahil lang sa katotohanang iyong sinabi, dahil karamihan sa kanila ay sensitive na tao. Nakakakonsensya nga naman kung makasakit diba? Nakakapagsalita ka nang maganda dahil ayaw mo sa gulo, dahil oras na magsalita ka baka ikagalit pa nila. Nakakapagsalita ka nang maganda dahil gusto mong itago ang iyong inggit. Iyong tipong pinupuri mo sila pero sa kaloob looba mo, napapasabi ka na lang na ‘sana ako rin, ganyan’, sakit diba? Lahat tayo dumaan diyan. Kaya wala kang dapat ikatakot na aminin.

We are all plastik in different ways. Maybe, for your own good or for everyone.

Tanongin ka nga lang na ‘okay kalang ba? baka may problema ka.’

Sasagotin mo na agad na ‘hindi, wala naman. ayos lang ako’,

Doon palang sa paraan ng sagot mo, pumaplastik ka na. Nasabi mo yon dahil ayaw mong makaabala sa iba at intindihin ka pa nila. Gusto mong sarilinin nalang yung nararamdaman mo dahil ayaw mong makaistorbo.

Nagpapakaplastik ka nalang kahit ang totoo, you’re fucking hopeless and helpless.

Iyong kinaiinisan mo sa araw araw dahil sa sobrang sama ng ugali, kapag kinausap ay mawawalan ka na rin ng choice kundi ang kausapin siya. Iyong patawa tawa kalang pero sa totoo gusto mo na siyang sakalin dahil sa mga kasinungaling lumalabas sa bibig niya. Minsan napapaisip ka kung anong napapala nito sa pagsisinungaling eh, ‘coz same bruh same!

Mawawalan ka na lang talaga ng choice, dahil kahit isang ordinaryo kalang na tao, may public image ka paring pinoprotektahan at dapat iwasan. Katulad ng ‘may pinagaralan ka pa naman!’ ‘wala kabang alam?’ ‘akala ko ba matalino ka’

Mapapasabay ka nalang talaga sa flow, kahit gusto mo na siyang sabunutan patiwarik.

Believe me, nararanasan ko yan araw araw. Like duh, I will deal with you later bitch but for now let’s chill hahahaha.

But when it comes to your friends, nalalabas mo lahat ng hinaing niya sa buhay mapaganda man o masama because hell, you’re friends. What’s up? Yung kinaiinisan mo, kinaiinisan niya narin like frontrow ka girl?

Kapag sinabi mo sa kanila yung masasamang ugali sa kanya, parang okay nalang kasi afterall friends kayo at alam niyang naiintindihan mo siya because you stayed bitch, you stayed. Masasanay kana lang sa ganyan nilang ugali na maattitude pero may mabuting puso. Sabay sabay kayong umattitude, hooray!

So yeah, being a plastic isn’t bad all. It will help you actually, para makaiwas sa gulo dahil first all, hindi ka pinanganak to please everybody. You just want a peaceful life and being a plastic is a way to be at peace.

So live your life to the fullest at hayaan mo silang sila ang umintindi sayo. They’re just an asshole fucking around, so keep it up!

Still humble and calm 🙂

Published by Lhen Clavillas

Just a little, is too much.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started